Ilang daan ang patungo
Sa kandungan ng sapat na yaman
Kailan mo masasabi na
Alam mo na ang lahat
Na di mo na kailangan
Pag-aralan ang mga aklat
Na nilikha nila noon
Sa panahon ng maraming kaalaman
Masasabi mo ba
Na alam mo ang lahat ng solusyon
Para sagipin ang lahat
Habang nakaupo ka
Sa pinakamataas na lugar
Bumibigay ang semento ng fundasyon
Ng gusali na tinayo mo
Na akala mo talagang matibay
Sa iyong limitadong pagtingin
Nakatago sa iyo ang perlas
Maliit na perlas sa ilalim ng dagat
Nandoon ang tunay na yaman
Na doon mo lang mahahanap
Ito ba ang pinaghirapan
Buong buhay mo
Na mawawala sa isang sandali
Friday, June 3, 2016
Subscribe to:
Posts (Atom)