Sunday, November 10, 2013

Pagdating ng Umaga

Pagdating ng umaga
Malilinawan ng araw
Ang lahat ng tinago ng dilim
Sa ilalim ng mga anino
Ang mga bato
At ang mga binhi
Inapakan ng marami
Tinabunan ng panahon
Pero may wakas din ang gabi
Kahit anong haba nito
Sisikat din ang umaga
At ibibigay ng lakas ang lupain
Sa daming bumuhos na ulan
Ng mga nakaraang araw
Na di nakikita ang liwanag
Dahil sa mga mabibigat na ulap
Na kinailangan umiyak