Saturday, February 7, 2015

Maling Aklat, Maling Lihim

Sa kabiluguan ng mundo...
Ikot-ikot ang araw at buwan.
Dumaan din ang mga bagyo;
Sa dami, nalimutan ko ang mga pangalan.

Biglang napagising ako ng kidlat
Sa kama na di ko matandaan.
Ang panahon na nakaraan...
Dinaanan ako sapagka't...

Nalimutan ko din ang pangalan ko.
Nalimutan ko na ang lahat.
Nalimutan ko ang pangako ko
Na sinulat ko sa lumang aklat.

Sinulat ko para matandaan
Ng puso ko ang tama;
Para ang sakit di madama
Ng iba na di ko mabigyan pangalan.

Lihim na di ko mabukas
Dahil kung ito'y sumabog
Lahat ay magwawakas
Sa kanyang pagsabog.

Hindi naman mawawasak ang lahat.
Ito lang ang iyong puso umiiyak.
Sabi ng Panginoon tungkol sa aklat
Sa Kanyang kamay biniyak.