Friday, October 14, 2011

Isang Mensahe Galing sa Isang Manunulat/A Message from a Writer

Huwag po kayong matakot sa mga sulat ko. Alam ko na puno ng lubos na kalungkutan at malubhang galit ang mga ito. Di ko tinatanggihan ang kadiliman ng aking pagkatao pero saglit lamang dumaan ang mga emosyon na ito sa aking puso. Madalas, ilang minuto lang; pero minsan, maraming buwan muna ang lumipas bago mawala ang aking lungkot at galit. Naintindihan ko na ito'y likas sa pagiging tao, babae o lalake, at marami sa mundo na ganito rin ang kanilang karanasan sa buhay.

Please, do not be afraid of what I write. I know it is filled with great sadness and furious anger. I don't deny the dark side of my humanity but these emotions only come for brief moments in my heart. Often, only for several minutes; but somtimes, many months have to pass before my depsair and fury disappear. I understand that this is natural in being human, female or male, and many in the world experience this in their lives.